Pagsubok ng Tagumpay
Nakakalungkot
bang isipin na magiging matagumpay ka? Nakakatakot bang isipin na kung hindi dahil
sa problema ay magiging matapang at matatag ka? O mas natatakot ka na harapin
ang pagsubok dahil hindi mo alam kung magtatagumpay ka? tama bang katakutan ang
bagay na magiging hakbang sa buhay mo para maging matagumpay ka, nasa kabila ng
problema ay mas nagsumikap ka, mas naging matapang para harapin ang lahat.
Walang tao ang may
gusto na laging may problema. Mahirap,nakakapagod, at nakakasawa.Tama! ngunit
lahat ng nararansan mong paghihirap ay walang kampantay na katuwaan ang kapalit,
hindi mo kailangang magpasalamat sa lahat ng taong nakapaligid sayo, kundi sa
sarili mong naging saksi sa lahat ng pagsubok na naranasan mo. Mahirap sa una pero
pasasaan ba't tagumpay naman ang iyong makakamit sa bandang huli.
Paano mo titingnan
ang isang bagay na napunta sayo ng hindi mo naman pinaghirapan? hindi ba't mas
nakakatakot isipin na ito ay isa lamang panandalian dahil ni minsan hindi mo
ito pinagsumikapan. Hindi ba't mas nakaka proud kung ikae mismo sa sarili mo ay
alam mo ang totoong daan patungo sa tagumpay na iyong inasam.
Ano man ang
pagsubok na kinahaharap mo ngayon, nag-aaral ka man o naghahanap buhay. Kung
alam mo ang nais mong patunguhan, maging matapang ka na harapin ang pagsubok mo
sa buhay. Dahil hindi mararansan ang ibat-ibang klase ng saya kung hindi ka
daraan sa ibat ibang uri ng problema.
Hindi mo kailangang matakot sa pagkatalo mo,
mas matakot ka sa sarili mo na magiging dahilan ng pagkatalo mo. Walang problemang
ibinibigay ang Dyos ng hindi mo kayang lagpasan, kaya wala ring pagsubok na
mapagtatagumpayan kung hindi mo haharapin at paglalabanan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento