Pagsubok ng Tagumpay
Sa buhay ng tao maraming mga bagay ang dumarating ng hindi inaasahan, mga bagay na tuloy tuloy pumasok sa ating buhay. Nakakalungkot man isipin na maraming mga tao ang bigla na lamang bumibitiw, hindi dahil wala silang magagawa kundi dahil natatakot silang harapin ang mga bagay na pilit nilang tinatakasan. kadalasan sa buhay ng tao mas marami ang nagbubulag bulagan at nagbibingi bingihan, hindi dahil sa mga bagay na nakikita nila kundi sa mga pagsubok na kumakatok sa buhay nila. Nakakalungkot bang isipin na magiging matagumpay ka? Nakakatakot bang isipin na kung hindi dahil sa problema ay magiging matapang at matatag ka? O mas natatakot ka na harapin ang pagsubok dahil hindi mo alam kung magtatagumpay ka? tama bang katakutan ang bagay na magiging hakbang sa buhay mo para maging matagumpay ka, nasa kabila ng problema ay mas nagsumikap ka, mas naging matapang para harapin ang lahat. Walang tao ang may gusto na laging may problema. Mahirap,nakakapagod, at nakakasa